www.pechanga.com

www.pechanga.com

Kilala sa mundo sa napakagandang pagtatanghal sa pagsayaw ng “Avalokitesvara Bodhisattva,” gayundi’y kilala sa mundo ang tanyag na China Disabled People’s Performing Art Troupe ay muling magbabalik sa Pechanga sa dalawang pagtatanghal sa Sabado, Octubre 11, 2014 alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi. Ang China Disabled People’s Performing Art Troupe ay gumagamit ng kakaibang pang-enganyo sa pag-arte at malawak na ispirituwal na konotasyon na humihigit pa sa hangganan ng salita, kultura at etnikong nakaraan, upang matutunan ng lahat na magalak sa pinag-ibayong kombinasyon ng arte na may ispirituwal at emosyonal na kamulatan.

Ang China Disabled People’s Performing Art Troupe ay itinatag noon 1987 at nakapaloob ang serye ng naglalakihang musika at sayaw para sa “My Dream” noong taong 2000, na nagbigay daan sa tropa na maging huwaran ng mundo bilang grupo sa pagtatanghal ng arte. Ang “My Dream” at ang pagtatanghal ng “Avalokitesvara Bidhisattva” ay naitalang kilala sa mundo. Ang pagtatanghal ay binubuo ng ibat-ibang: vocal, music, instrumental music na sumasakop sa ibat-ibang etnikong kanta kagaya ng ballets, Latin American, modern, opera, musical theater, sign language poetries, sayaw ng mga bulag, at sign language dances. Ang Art Troupe ay gumawa rin ng dokumentaryong pelikula na pinangalanang “My Dream,” nag lathala ng libro at nagpamigay ng mga litrato kung saan kumita ang special art at life of disability actors.

Sa mga karagdagang impormasyon o sa pagbili ng tickets, bumisita lamang sa www.Pechanga.com o tumawag sa Pechanga Resort & Casino toll free sa 877-711-2946.

Ang mga pagtatanghal sa Pechanga Theater ay nagdudulot ng komportable at natatanging karanasan sa konsierto. May 1,200 na mga upuan sa teatro, habang bawat isang pagtatanghal ay naghahandog ng mga makabago at naayong tugtuging akma sa pandinig. Sa paglilibang sa mga paboritong artista sa Pechanga kumpara sa ibang lugar ay walang sikap na pagpapatunay lamang kabilang din ang libreng valet at sariling parking sa mga bisita, libreng casino/resort shuttles, gourmet at kaswal na kainang pagpipilian sa lugar, at komportableng mga upuan at malapitang tanaw habang nakaupo sa teatro.

Inaalok ng Pechanga

Inaalok ng Pechanga Resort & Casino ang isa sa mga pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa buong bansa.  Hinirang na “Four Diamond property” ng AAA mula pa noong 2002, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na paraan para sa isang araw o pang-matagalang marangyang bakasyon.  Naghahandog ng mahigit sa 3,000 sa pinaka mainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 517 na kuwarto sa hotel nito, mga kainan, spa at championship golf sa “Journey at Pechanga,” ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad.  Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians.  

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-877-711-2946 o pumunta sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort & Casino sa Facebook.com/Pechanga at Twitter @PechangaCasino.  Ang Pechanga Resort & Casino ay bukas ng 24 oras.  Ang mga panauhin ay dapat na may edad  21 anyos at pataas para makapasok sa casino.