garyPinagpipitagang mang-awit sa buong mundo, si Gary Valenciano, higit na kilala bilang ‘ Gary V’ ang yayanig sa teatro ng Pechanga Resort & Casino sa Temecula, California sa pamamagitan ng konsyertong nakatakda sa Marso a-8, alas-7 ng gabi.

Ang Pechanga Resort & Casino ay kilala sa pagtangkilik ng magagaling at mahuhusay na mga Pilipinong artista at mang-aawit kagaya ng Mega Star na si Sharon Cuneta, ang singer/aktres at Tony Award winner Lea Salonga, pupolar na komedyante at aktor Vice Ganda, winner ng ‘Star Power Search 2011’ Angeline Quintos, international actress at top endorser Anne Curtis, at Pop Star Princess Sarah Geronimo—na bigay todong umaaliw sa kagalakan ng mga manonood.

Bukod sa maayos na mga kainan, pahingahan at kasayahan, nais ng Pechanga Resort & Casino na mag-alay ng natatanging kaganapan lalo na sa Pilipinong mga patron. Kung kaya’t si Gary V, na may matibay na 31 taon sa larangang internasyonal na pag-awit at pag-sayaw ay ‘bubulaga’ sa publiko sa taong mag-uumpisa ng kasiyahan.

Si Gary V, mang-aawit/manunulat ng awit/musikero, ay ipinanganak mula sa inang Puerto-Rican at amang Pilipino.Siya’y regular na makikita sa publiko mula ng ito’y mag-umpisa ng kanyang career taong 1983. Sa edad na 18, siya’y bumulusok sa industriya ng musika sa Pilipinas taglay ang mga kilos ni Michael Jackson at pyro-techniques ni Al Jarreau.

Sa kasalukuyan, si Gary V ay may 32 albums na nai-release sa Estados Unidos at Rehiyong Asyano.Ang Pop idol ay may kakaibang track record sa laranga ng Philippine recording kung saan sa kabuuan ay nagkamit ito ng 12 Awit Awards sa kategoryang Best Male Recording lamang.Palaging nagtatamo ng Gold, Platinum at multi-Platinum awards sa benta ng kanyang mga produkto. Ang kanyang mga kanta ay nagpapasasa ng milyong ‘hits’ online.Ang malawakang pagtanggap sa kanyang recordings ay nagbunsod sa mga film producers sa kanyang mga awitin upang maging soundtrack ng kanilang mga pelikula. Gayundin, si Gary ay bumida sa 14 na full-length na pelikula sa kabuuan ng kanyang career.

Isang ‘Ambassador of Goodwill’ sa UNICEF, si Gary ay isang international endorser ng kilalang Sennheiser microphone, kahalintulad ng mga pamosong mang-aawit na sina Mariah Carey, Celine Dion, Whitney Houston, Paul McCartney, Elton John, Julio Iglesias, the Backstreet Boys and Sting.Dahil dito’y nagtanghal siya sa Musik Messe sa Frankfurt, Germany— ang higante sa mundo ng exhibit at convention ng mga musical instrument at dealers nito.

Sa gitna ng tagumpay at kasaganaan, si Gary ay aktibo rin upang ibahagi ang kanyang mga natatanggap na biyaya sa mga mahihirap at nangangailan at bilang beteranong artista siya’y may regular na Sunday show- ASAP 20 – na mapapanood sa Manila at sa buong mundo, sa pamamagitan ng Filipino cable network.

Kaunti na lamang ang nalalabing panahon. Bumili na kayo ng tickets—mula $85, $75, $65 at $50. Ang tickets ay mabibili sa Pechanga Box Office o kaya’y sa www. Pechanga.com/tickets. Ang room at show packages ay pwede ring bilhin. Upang makabili ng wheelchair na upuan, tumawag lamang sa Box Office 1-877-711-2946.

Service Fees at Ticket Exceptions:

Lahat ng tickets ay may $5 na Service Fee.

WALANG REFUND. WALANG PALITAN. WALANG EXCEPTIONS.

Ang ticket ay limitado sa 6 na ticketskada Performer, kada tao, kada credit card, kada kasambahay.

Ang mga palabas sa Pechanga Theater ay naghahandog ng komportable at matiwasay na pakiramdam habang nanood ng mga konsierto. May 1,200 na upuan sa teatro, nakapaloob kada palabas ang pinagmamalaki at perpektong tunog sa kabuuan. Ang paghahatid ng kagalakan sa panonood ng mga paboritong artista sa Pechanga maliban sa ibang lugar ay walang katumbas gayundin ng libreng pagparada ng sasakyan at sariling pagpaparada sa mga bisita, libreng casino/shuttles, gourmet at kaswal na kainang pamimilian sa lugar, gayundin ang komportableng upuan at kaaya-ayang tanaw mula sa kani-kanyang upuan sa teatro.

Patungkol sa Pechanga Resort & Casino

Inaalok ng Pechanga Resort & Casino ang isa sa mga pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa buong bansa.  Hinirang na “Four Diamond property” ng AAA mula pa noong 2002, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na paraan para sa isang araw o pang-matagalang marangyang bakasyon.  Naghahandog ng mahigit sa 3,000 sa pinaka mainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 517 na kuwarto sa hotel nito, mga kainan, spa at championship golf sa “Journey at Pechanga,” ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad.  Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians.  Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-877-711-2946 o pumunta sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort & Casino sa Facebook.com/Pechanga at Twitter @PechangaCasino.  Ang Pechanga Resort & Casino ay bukas ng 24 oras.  Ang mga panauhin ay dapat na may edad  21 anyos at pataas para makapasok sa casino.