Sharon Cuneta

Sharon Cuneta

Inihahatid ng Pechanga Resort & Casino: ‘Mega Star’ Sharon Cuneta Live sa June 14

Sa kakaibang pagtatanghal, saksihan ang pag-awit ng batikan at premyadong aktres na si Sharon Cuneta sa dinarayong Pechanga Resort & Casino Theater sa Temecula, California, alas-8 ng gabi, sa Hunyo 14.

Ang Pechanga Resort & Casino ay kilala sa pagtangkilik ng magagaling at mahuhusay na mga Pilipinong artista at mang-aawit kagaya ng beteranong actor na si Richard Gomez at OPM (Outstanding Pilipino Music) at maituturing na isang institusyon sa larangan ng pagkanta na si Rico J. Puno, na bigay todong umaaliw sa kagalakan ng mga manonood.

Upang mapaunlakan ang hiling ng publiko, at sa mga di nakadalo sa unang konsierto kamakailan, inimbitahan muli ng mga tagapamahala ng Pechanga Resort & Casino si Cuneta, upang mapaunlakan ang mga tagahanga nito at mga taga-tangkilik ng casino.

Narito ang pahayag sa Facebook ng ating bituing si Cuneta sa kanyang unang pagtatanghal sa Pechanga Resort & Casino: “ Kumusta sa lahat! Isinulat ko ito mula sa aking kuarto sa Pechanga Resort & Casino. May nakapagsabi sa’kin na lahat ng tickets para sa concert ko mamayang gabi ay ubos ng lahat(!!!) at hindi ko maipaliwanag ang lubos kong kaligayahan sa oras na ito!”

Halos anim na buwan pa lamang ng matapos ang matagumpay na konsierto sa entablado ng Pechanga noong Disyembre 20, kasama ang kanyang anak na si KC Concepcion, bilang tampok na bisita, muling aawit si Cuneta at magahatid ng mga sikat na kanta sa kanyang mga tagahanga at kababayan.

Binansagan sa pelikulang Pilipino at sa bansa bilang ‘Mega Star’, sumikat si Cuneta mula sa sunod-sunod na pelikula na nagustihan ng mga kabataang tagahanga sa tambalang tampok ang kanyang naunang kabiyak na si Gabby Concepcion. Ngayon bilang “ Mega Mom”, patuloy na pumaimbulog ang kasikatan nito bilang mang-aawit at aktres at naging abala sa ibat-ibang concerts at mga aktibidad sa pagkanta bukod sa pagpaplano ng kanyang araw-araw na palabas sa telebisyon.

Sa kanyang kabuuang pagtatanghal sa musika, nakapagtala si Cuneta ng may 40 album, karamihan ay naging kontemporaryo at klasikong patok at kilala hindi lamang sa Pilipinas gayundin sa ibang bansa.

Isang huwaran sa industriya ng pagkanta, ang nalalapit na pagtatatnghal ni Cuneta sa Hunyo 14 ay maghahatid ng mga kantang pinasikat ng tagapamahala ng lahat ng kanyang awitin na si Willie Ocampo.

Kaunti na lamang ang nalalabing panahon. Bumili na kayo ng tickets– mula $85, $75, $65 at $50. Ang tickets ay mabibili sa Pechanga Box Office o kaya’y sa www. Pechanga.com/tickets. Ang room at show packages ay pwede ring bilhin. Upang makabili ng wheelchair na upuan, tumawag lamang sa Box Office 1-877-711-2946.

Ang mga palabas sa Pechanga Theater ay naghahandog ng komportable at matiwasay na pakiramdam habang nanood ng mga konsierto. May 1,200 na upuan sa teatro, nakapaloob kada palabas ang pinagmamalaki at perpektong tunog sa kabuuan. Ang paghahatid ng kagalakan sa panonood ng mga paboritong artista sa Pechanga maliban sa ibang lugar ay walang katumbas gayundin ng libreng pagparada ng sasakyan at sariling pagpaparada sa mga bisita, libreng casino/shuttles, gourmet at kaswal na kainang pamimilian sa lugar, gayundin ang komportableng upuan at kaaya-ayang tanaw mula sa kani-kanyang upuan sa teatro.

Patungkol sa Pechanga Resort & Casino
Inaalok ng Pechanga Resort & Casino ang isa sa mga pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa buong bansa. Hinirang na “Four Diamond property” ng AAA mula pa noong 2002, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na paraan para sa isang araw o pang-matagalang marangyang bakasyon. Naghahandog ng mahigit sa 3,000 sa pinaka mainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 517 na kuwarto sa hotel nito, mga kainan, spa at championship golf sa “Journey at Pechanga,” ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad. Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-877-711-2946 o pumunta sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort & Casino sa Facebook.com/Pechanga at Twitter @PechangaCasino. Ang Pechanga Resort & Casino ay bukas ng 24 oras. Ang mga panauhin ay dapat na may edad 21 anyos at pataas para makapasok sa casino.