Jericho Rosales at Maja Salvador Live Concert Tour sa Oktubre

jerichoSa isang kakaiba at pinakatampok na pagtatanghal na masasaksihan lamang sa teatro ng Pechanga Resort & Casino, sa Temecula, California, ang mga sikat na bituing sina Jericho Rosales at Maja Salvador sa isang Live Concert Tour sa October 31, 2015, alas 8 ng gabi.

Ang Pechanga Resort & Casino ay kilala sa pagtangkilik ng magagaling at mahuhusay na mga Pilipinong artista at mang-aawit kagaya ng international singer na sai Gary Valenciano,  Mega Star na si Sharon Cuneta, ang singer/aktres at Tony Award winner Lea Salonga, pupolar na komedyante at aktor, Vice Ganda, winner ng ‘Star Power Search 2011’ Angeline Quintos, international actress at top endorser Anne Curtis, at Pop Star Princess Sarah Geronimo – na bigay todong umaaliw sa kagalakan ng mga manonood.

Bukod sa maayos na mga kainan, pahingahan at kasayahan, nais ng Pechanga Resort & Casino na mag-alay ng natatanging kaganapan lalo na sa Pilipinong mga patron. Kung kaya’t si Gary V, na may matibay na 31 taon sa larangang internasyonal na pag-awit at pag-sayaw ay ‘bubulaga’ sa publiko sa taong mag-uumpisa ng kasiyahan.

Tubong Quezon City, Philippines, si Jericho Rosales ay kilabot ng kolehiyala at kilala bilang aktor sa Destined Hearts (2009), Dahil sa Pag-ibig (2012) at Baler (2008).

Nakatatandang kapatid ng bagong aktor na si Jeremiah, ang kanyang band allbum ay unang inilunsad sa Kuala Lumpur, Malaysia, noong Marso 2006. Bilang pangunahing singer ng pop-rock band na Jeans, si Rosales ay pumirma ng kontrata sa EMI Malaysia sa asiste ng kanyang kaibigang Malaysian na si Kish Ram.

Ang kanyang banda ay kinabibilangan nina Dan Serenado- guitar, Jude Manota- bass at Aaron Ace Manio- drums.

Kabilang sa mga sumikat na album nito ay ang ‘Loose Fit’, noong 2005. Siya mismo ang kumatha ng 14 na na mga kanta mula sa debut album ng banda. Sinulat rin ni Rosales ang ‘You’re Beautiful’ para sa sing-irog nitong si Heart Evangelista. Siya’s pumirma sa Manila Genesis Entertainment and Management matapos lisanin ang ABS-CBN.

Si Rosales ay miyembro ng grupong ‘The Hunks’ kahanay ng mga sikat na idolong sina Piolo Pascual, Diether Ocampo, Carlo Agassi, at Bernard Palanca.

Photography ang paboritong hobby ni Rosales. Siya’y pumaimbulog sa larangan ng showbiz mula ng manalo sa ‘Mr. Pogi’ sa Eat Bulaga (1979) noong kalaunang 90’s. Ang kanyang pagkadiskubre sa Eat Bulaga ang nagbusod sa kanyang career sa dambuhalang kompanyang ABS-CBN.

Siya’y nagkamit ng tagumpay sa pag-arte sa  Achievement in Acting sa ‘Breakaway’ (2012), Guam International Film Festival taong 2013.

Samantala, si Maja Salvador ay mula sa pamilya ng mga kilalang aktor. Siya’y singer, dancer, model at producer. Nagmula sa angkan ng mga Slavador, si Maja ay pinsan ni Jobelle at Philip Salvador—sa kasalukuyan ay nasasa ilalim ng pamamahala ng ABS-CBN’s Star Magic.

Tinaguriang ‘Dance Princess of the Philippines’- si Maja ang nag produce at gumanap sa title role ng pelikulang ‘Thelma’, kung saan nagwagi ito ng Gawad Urian Award sa Film Academy of the Philippines Awards bilang best actress.

Si Salvador ay nag-simulang umarte sa 2003 TV series ‘It Might be You’ kasama si John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Naka cast din siyang isa sa lead character ng ‘Spirits at lumabas sa ilang episodes ng ‘Maalaala Mo Kaya. ‘

Noong 2013, si Salvador ay pumirma ng recording contract sa Ivory Music & Video. Ang album na ‘Believe’ ay sumikat at noong Hunyo 2014, ito’y na-certified na Gold Record sa pagbenta ng 7,500 na kopya sa buong bansa.

Noong 2013, si Salvador ay sumali sa kampanya ng PETA upang palayain sa pagkakahuli kay ‘Mail’ at maibalik ang elepante sa Manila Zoo upang mailipat sa Boon Lott’s Elephant Sanctuary upang maalagaang mabuti at mapakain.

Saksihan sa pagkakataong ito ang kakaibang tambalang Jericho Rosales at Maja Salvadaor sa isang live concert na tanging hatid sa inyo ng Pechanga Resort & Casino.

Kaunti na lamang ang nalalabing panahon. Bumili na kayo ng tickets—mula $65, $60, $55 at $45. Ang tickets ay mabibili sa Pechanga Box Office o kaya’y sa www. Pechanga.com/tickets. Ang room at show packages ay pwede ring bilhin. Upang makabili ng wheelchair na upuan, tumawag lamang sa Box Office 1-877-711-2946.

Service Fees at Ticket Exceptions:

Lahat ng tickets ay may $5 na Service Fee. WALANG REFUND. WALANG PALITAN. WALANG EXCEPTIONS. Ang ticket ay limitado sa 6 na tickets kada Performer, kada tao, kada credit card, kada kasambahay.

Ang mga palabas sa Pechanga Theater ay naghahandog ng komportable at matiwasay na pakiramdam habang nanood ng mga konsierto. May 1,200 na upuan sa teatro, nakapaloob kada palabas ang pinagmamalaki at perpektong tunog sa kabuuan. Ang paghahatid ng kagalakan sa panonood ng mga paboritong artista sa Pechanga maliban sa ibang lugar ay walang katumbas gayundin ng libreng pagparada ng sasakyan at sariling pagpaparada sa mga bisita, libreng casino/shuttles, gourmet at kaswal na kainang pamimilian sa lugar, gayundin ang komportableng upuan at kaaya-ayang tanaw mula sa kani-kanyang upuan sa teatro.

Patungkol sa Pechanga Resort & Casino

Inaalok ng Pechanga Resort & Casino ang isa sa mga pinakamalaki at malaganap na kasiyahan na pang resort/casino kahit saan sa buong bansa.  Hinirang na “Four Diamond property” ng AAA mula pa noong 2002, ang Pechanga Resort & Casino ay nagbibigay ng walang katumbas na paraan para sa isang araw o pang-matagalang marangyang bakasyon.  Naghahandog ng mahigit sa 3,000 sa pinaka mainit na slot machines, table games at world-class entertainment, 517 na kuwarto sa hotel nito, mga kainan, spa at championship golf sa “Journey at Pechanga,” ang Pechanga Resort & Casino ay tampok na destinasyon na tumutugon at humihigit sa kagustuhan ng mga panauhin nito at ng komunidad.  Ang Pechanga Resort & Casino ay pag-aari at palakad ng Pechanga Band ng mga Luiseño Indians.  Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 1-877-711-2946 o pumunta sa www.Pechanga.com. Sundan ang Pechanga Resort & Casino sa Facebook.com/Pechanga at Twitter @PechangaCasino.  Ang Pechanga Resort & Casino ay bukas ng 24 oras.  Ang mga panauhin ay dapat na may edad  21 anyos at pataas para makapasok sa casino.

About the Author

Related Posts