(photo courtesy of Journey at Pechanga Facebook page)

(photo courtesy of Journey at Pechanga Facebook page)

Ang Journey sa Pechanga championship golf course, ay isa sa mga natatanging amenidad sa mga bisita sa Pechanga Resort & Casino, at patuloy na tampok bilang pinaka-mataas na uri ng pampublikong kurso sa bansa. Isang hamon at makabuluhang kurso para sa mga golfers sa lahat ng antas, ito ay naglalatag ng ibat-ibang topograpiya – canyons, ravines, open fairways at gayundin ang tee shot na may 300-foot drop. Nakapaloob sa paanan ng bundok ng kaaya-ayang tanawin sa Southern California wine country sa Temecula Valley sa Pechanga Indian Reservation, kalapit ng Pechanga Resort & Casino, ang Journey at Pechanga ay pumapaimbulog paikot sa mga naglalakihang bato sa kabundukan. Ang Journey at Pechanga’s par-72, 18-hole golf course ay sumasakop sa 7,219 yards. Ayon kay Arthur Hills, Golf course architect, tinagurian nitong “ isang perpektong pagkaka-angkop ng kalikasan, kabuuan at kahalagahan. “ Tinutukoy nito ang kakaibang latag ng lupain na may sagradong pagkakakilanlan at sensitibong kultura sa tribu ng Pechanga. Nakatuon ang Journey sa pagpapaimbulog ng drama at natural na tanging ganda at kakaibang lugar habang pinoprotektahan nito ang sensitibong mga lugar at sa paglalatag ng golf kaakibat ang pinaka-mataas na antas at mga tradisyon.

Sa katapat na lugar nakatirik ang pinaka malaking resort/casino sa estado taglay ang lahat ng karangyaang inaasahan ng mga manlalakbay mula sa isang kilalang lugar sa Las Vegas. May antas na AAA Four Diamond na pag-aari sa loob ng 13-taon, ang resort kailan lang ay nakaranas ng isang mayoryang pagbabago sa hotel lobby, four restaurants, Jacuzzi suites at VIP lounge. ang mga manlalakbay na mahilig sa golf ay makatitipid ng green sa paglahok ng kani-kanyang pananatili sa hotel sa golf rounds sa “Journey to Golf” stay at play package. Mula $219 bawat isa o $299 sa dalawa katao, ang package ay nag-aalok ng mamahaling akomodasyon, mabilisang pagkuha ng cart, serbisyo ng concierge at 24-horas na room service. Ang mga bisita ay maaari ring bumili ng 2014 Annual Golf Pass at $899 para sa 12-round ng golf.  Ang pass ay magagamit anumang araw sa isang linggo, limitado sa apat na round kada araw. Sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa 866-991-PARR (7277) at banggitin ang “ Annual Golf Pass. “Ang resort ay naghahandog ng 517 na kuwarto at suites, isang full-service spa at salon, pool at cabanas, A-list na kasiyahan, mahigit 100,000-square feet na ibat-ibang kaganapan at espasyo sa meeting, 11 restaurants, at mga extras gaya ng ibreng WiFi, walang resort fees, libreng concierge at valet parking at 24-horas na serbisyo sa kuwarto. Ang resort ay may mga nakatalagang grupo sa sales, catering at banquet team upang pagsilbihan ang anumang kuwarto o kaganapan.

Ang mga karagdagang aktibidad ay maaring balakin para sa meeting at mga dadalo sa Pechanga. Isa sa kilala ay ang pag-aayos ng golf outings o kahit golf tournaments ng kumpanya sa Journey at Pechanga. Ang lahat ng detalye ay pinangangasiwaan ng on-site tournament coordinator. Ang iba pang mga aktibidad na maaring pagbalakan para sa mga dadalo sa Pechanga kabilang ang pribadong gabihan, poker tournament, wine and beer tasting tours sa kalapit na wineries at breweries, spa at salon treatments, at Native American history tours upang pumili ng lugar sa Pechanga reservation.

Sa karagdagang impormasyon o kaya ay magtakda ng reservation sa Pechanga Resort & Casino, bumisita lamang sa www.Pechanga.com o tumawag sa (877) 711-2946. Ang Pechanga Resort & Casino ay matatagpuan sa Temecula, Calif. dalawang minuto mula Interstate 15, kulang isang oras mula sa San Diego at Ontario International airports, at kulang sa isa’t kalahating oras mula Los Angeles at Orange County.

[social_share style=”circle” align=”horizontal” heading_align=”inline” facebook=”1″ twitter=”1″ google_plus=”1″ linkedin=”1″ pinterest=”1″ /]