Nora Aunor (MNS Photo)

Nora Aunor (MNS Photo)

Internationally acclaimed and multi-awarded actress Nora Aunor has finally broken her silence about her exclusion from the latest batch of National Artists proclaimed recently by Malacañang.

Aunor, more popularly known as the country’s superstar, thanked supporters who have rallied behind her.

The “Himala” star went on to admit that she was hurt by the snub but she remained grateful nonetheless.

Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin sa panahong ito ng usapin tungkol sa National Artist Awards,” she said in a statement.

Inaamin ko pong nasaktan ako sa mga nangyari. Pero ang dagsa ng suporta na nakita ko at naramdaman mula sa aking mga kababayan, mga katrabaho ko sa industriya, mga fans at mga kaibigan, mga pari at madre, mga guro at iba pang taga-akademya, mga taga-media, mga National Artists, mga pangkaraniwang mamamayan dito at sa ibang bansa, ay sapat-sapat na upang maramdaman kong maski wala mang tropeo o karangalang igawad sa akin ang mga nasa kapangyarihan, iniluklok naman ako ng mga kababayan ko habang buhay sa kanilang mga puso bilang isang artista ng bayan.

Para sa akin po ay mas totoo at mas masarap ang karangalang ito dahil taus-pusong nanggagaling sa mga taong siyang dahilan kung bakit ako nagpapakabuti bilang isang artista – ang mga mamamayang Pilipino,” TV5’s contract star added.

Ang pagsuportang ito ang lalong nagbibigay ng lakas ng loob sa akin, at ng walang kapantay na inspirasyon, upang lalo kong pagbutihin ang aking sining, upang lalo akong sipagin sa pagbabahagi ng kung anumang talento meron ako, at upang lalo ko pang pag-ibayuhin na maging isang mabuti at marangal na mamamayang Pilipino. “ (MNS)

[social_share style=”circle” align=”horizontal” heading_align=”inline” facebook=”1″ twitter=”1″ google_plus=”1″ linkedin=”1″ pinterest=”1″ /]